RSS

i broke up with my sc.calcu

dear sc.calcu,

matagal-tagal din tayong nagkasama. naalala ko pa, pinag-aagawan ka pa namin ng officemates ko at lagi kitang pinaglalaban na parang sa yo ko lang makukuha ang hinahanap ko. madaming beses na sinagip mo ang buhay ko lalo na sa pagsolb ng mga problema sa mundo. pinagkatiwalaan kita ng sobra sobra.

pero kailangan na tayong maghiwalay dahil nag-iiba na ang aking pangangailangan. alam kong nandyan ka lang umaalalay sa akin, pero kailangan kong matuto at lumago sa bagong pamamaraan. kinalulungkot ko na hindi ako matututo at lalago sa piling mo...

minahal kita na parang akin, pero may mahal na kong iba.

paalam scientific calcu. i lab u, financial calcu.

drama!

0 comments:

Post a Comment